SUBUKIN ITO
A. Basahin at suriin ang kuwento sa ibaba. Sabihin kung sang-ayon ka o hindi sa desisyon
ni Lisa.
Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
MAB BANG PAARALAN
NG SAN JOSE
0000
Ang Desisyon ni Lisa
Si Lisa ay mag-aaral na nasa Ikalimang Baitang sa San Jose Elementary
School sa bayan ng Gomez. Siya ang Pangulo ng kanilang
klase at isa siya sa
pinagpipiliang maging kinatawan ng kanilang paaralan sa isang
paparating na
pambansang paligsahan ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang.
Gustong-gusto ni Lisa na mapiling kinatawan ng kanilang paaralan. Ito ay sa
dahilang gusto niya na makarating sa iba't ibang lugar at makisalamuha sa ibang
mga mag-aaral galing sa ibang paaralan. Isang bagay lamang ang bumabagabag
kay Lisa. Alam kasi niya na hindi naman siya ang pinakamahusay na mag-aaral
sa kanilang paaralan. Ito ay ang kaniyang kamag-aral na si Vicky.
Si Vicky ang pinakamatalino sa kanilang klase. Palagi itong nakakukuha ng
mataas na grado sa bawat pagsusulit sa bawat asignatura. Maraming
beses nang
sinubukan ni Lisa na higitan si Vicky sa pagsusulit ngunit ni isang beses ay hindi
niya ito natalo. Tanggap ni Lisa na mas magaling si Vicky sa kaniya. Alam ni Lisa
na kung si Vicky ang magiging kinatawan ng kanilang paaralan sa paligsahan,
tiyak na mananalo ito.
Dahil dito, nagdesisyon si Lisa na kausapin ang kanilang guro at hilingin dito
na huwag na siyang isama sa mga pinagpipilian na maging kinatawan ng paaralan.
Sinabi niya na napagdesisyunan niya na hindi na lang ituloy ang paghahangad na
maging kinatawan ng paaralan para sa higit na mabuting bagay. Naisip niya na
isakripisyo ang sariling hangarin para sa ikabubuti at ikatatagumpay ng kanilang
paaralan. Dahil sa ginawa niyang ito, marami sa mga kamag-aral ni Lisa ang lalong
humanga sa kaniya.
Paliwanag:
patulong po